Wednesday, July 5, 2017

Paano maging member ng Luntian Multi-Purpose Cooperative?



Ang Luntian Multi-Purpose Cooperative ay may mga produkto at serbisyo tulad ng feeds para sa baboy, fresh at processed meat, loans and savings at hogs trading. Ito ay matatagpuan sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon.

Upang maging kasapi(member) ng Luntian Multi-Purpose Cooperative, dapat na :

  1. May edad ng labing walo (18) hanggang animnapu't-lima (65) na may kakayahang makipagkasundo
  2. Mamayang Filipino na naninirahan o naghahanap-buhay sa lugar na nasasakupan ng Rehiyong Apat (4) MIMAROPA at CALABARZON
  3. May sertipiko ng barangay na nagpapatunay na may hanap-buhay sa lugar na nasasakupan
  4. Hindi isang dating kasapi/member ng Luntian Multi-Purpose Cooperative


PROSESO UPANG MAGING KASAPI (MEMBER)

  1. Dumalo ng Pre-Membership Education Seminar (PMES). Ginaganap ito tuwing unang Biyernes (First Friday) ng buwan (month) sa compound ng kooperatiba.  Makakatanggap ng Certificate bilang katibayan ng pagdalo matapos ang seminar at may bisa ito ng anim (6) na buwan. Magbayad ng halagang isang daang piso (P100.00) bilang registration fee (non-refundable).
  2. Magsadya sa tanggapan upang punan ang application form para sa pagiging member.
  3. Dalhin ang mga sumusunod:
  • 1 pc 2x2 picture
  • 1 pc 1x1 picture
  • Police Clearance
  • Medical Certificate
  • Photocopy ng Birth Certificate
  • Community Tax Certificate(CTC)/Cedula
  • Certificate ng PMES
  • Pambayad sa mga sumusunod:
  1. P5,000.00-Deposit for Future Subscription (refundable)
  2. P1,000.00-Open Savings Deposit (refundable)
  3. P   500.00-Membership Fee (refundable)
  4. P   200.00-Damayan Fund (refundable)
  5. P     50.00-ID (refundable)
4.  Lumagda sa Membership at Subscription Agreement

5.  Ang anumang impormasyon na ipinahayag na walang katotohanan ay magiging sanhi ng hindi pagtanggap sa kanyang aplikasyon bilang kasapi.

6.  Pumasa sa imbestigasyon ng Komitiba ng Pagsasanay at Impormasyon.

7.  Ang aplikasyon sa pagsapi ay isusumite ng Komitiba ng Pagsasanay at Impormasyon ayon sa kanilang rekomendasyon sa Lupon ng Patnugutan (Board of Directors) para sa kaukulang aksyon.

Kung hindi naaprobahan ng Lupon ng Patnugutan ang isinumiteng aplikasyon, ang aplikante ay maaaring umapela sa susunod na Taunang Pangkalahatang Pagpupulong (Annual General Assembly). Magbigay ng sulat-paabiso sa Kalihim ng Lupon ng Patnugutan tatlumpong (30) araw bago dumating ang nasabing pagpupulong.


(Base sa Luntian Multi-Pupose Cooperative Membership Policy Effective March 10, 2017)

2 comments:

  1. sino po ang pwedeng mag apply ng loan? member LNG po ba? o khit non members?.

    ReplyDelete
  2. Sir/ madam ask ko lang po pwede po ba magfranchise sa luntian feeds para dito sa tanauan city,batangas

    ReplyDelete